Wednesday, June 30, 2021

Tire Pressure na sakto para sa Burgman Street 125


Ano nga ba ang saktong tire pressure para sa ating Suzuki Burgman Street 125? Alam natin na meron tayong tubeless na gulong na 10 inch sa at 12 inch diameters repectively sa likod at sa harap. Pag labas sa Casa usually ay inflated na ito kaya ready to use. Pero for maintenance purpose ay kailangan pa rin natin na imonitor ang tire pressure natin dahil sa kadalasan ng pag gamit ay nababawasan din ìto ng hangin pakonti konti. Ayon sa manual kapag solo riding ang recommended tire pressure sa front tire ay 25psi at 29psi naman sa rear tire. Kapag dual riding naman ang recommended na tire pressure sa harap ay 25psi pa rin pero sa huli ay 36psi na.


 Importante na sundin natin itong recommended na tire pressure para maging smooth ang takbo natin dahil gulong ang nagdadala sa atin. Kapag under inflated o kulang sa hangin magiging hindi ganun ka smooth ang cornering at magreresulta ito sa mabilis na pagkapudpod o wear ng ating goma. Kapag over inflated naman ay masyado itong matigas at matalbog at yung contact sa semento ay hindi masyado so maaari itong magresulta sa pagdulas o kaya kawalan ng control lalo na sa mga uneven at mabuhangin na kalsada. Kapag kayo ay nagmomotor importante na pakiramdaman ninyo ang takbo ng mga gulong. Dahil kung sakaling may tumusok sa gulong ay malalaman natin ito dahil unti unting bababa ang tire pressure nito. So bago magbyahe specially kung long ride ay laging ugaliin na magcheck ng tamang tire pressure. Hindi kung kelan nagbyahe ka na dahil iba na ang reading nito. Kapag uminit na ang mga goma sa pagbyahe ito ay nagreresulta sa mas mataas na tire pressure dahil sa init ng pagikot ng mga gulong.

Monday, June 28, 2021

Generous Footboard: Suzuki Burgman Street 125

Sa usapang foot board ito na siguro ang isa sa maipagmamalaki ng Burgman Street! Kudos s Suzuki sa pagdesign nito at nagets nila na isa ito sa pinakaimportanteng konsiderasyon sa pagpili ng motor lalo na sa mga praktikal na tao. 



Napakadaming benefits kapag malaki ang footboard at nandyan na yung comfort sa pwesto ng paa at syempre ay ang space na ito ay laan talaga para lagyan ng mga gamit ko karga sa byahe. Pwede kang maglagay ng isang sako dito na 25 to 50 ang bigat gaya ng bigas. Pwede rin mga bagahe gaya ng bag o kahon na pinamili.

Gaya nito, astig pamalengke di ba?

 Kung ikaw ay rider gaya s lalamove o food panda ay napakalaking tulong ang spacious footboard para kargahan ng mga bagahe. Bonus point din na kahit iangkas mo ang anak mo na bata sa harap ay pwedeng pwede. Kung gusto mo ay pwede rin kahit pet dog mo siguradong kasya dito :) 

Maganda talaga ang footboard ng Suzuki Burgman Street at isa ito sa maipagmamalaking feature nya na lamang sa karamihan. 

Accessories ng Footboard

Ang common na accessories sa footboard ay usually footboard matting o yung cover na nilalagay dito number one para hindi ito magasgas at mamuti and secondly para mas gawin itong maporma o maburloloy. 

Ito ay parang mga sticker designs na idinidikit sa mismong footboard. Dagdag pogi ito sa motor lalo na kung maganda at bagay ang footboard matte design na ilalagay. 
Yung ganitong style ay may mga embossed part na nagsisilbing stopper para hindi dumulas ang pagkakatapak. At syempre dadag porma na din talaga ito.

Meron din naman footboard matting na for practical use lng gaya ng plain design na rubber na usually ay gray or black color para lamang hindi madulas sa tapakan. Kapag wala kasi ay madulas yang plastic footboard nya. Isa pang purpose ay para protection sa mismong footboard sa dumi o mga buhangin na maaring gumasgas sa stock footboard. Price range nito kadalasan ay 150 to 350 pesos. 

Friday, June 25, 2021

Lubrication Points: Suzuki Burgman Street 125 Maintenance

Napakaimportante na mapanatiling nasa magandang kundisyon ang motor at isa nga sa mga kailangan i-maintain ay ang lubrication points ng motor. Ito ay yung mga moving parts ng motor na exposed sa labas at kinakailangan langisan at linisin para maiwasang pagmulan ng mga noise o langingit.
Dito sa image na galing sa manual ng Suzuki Burgman Street 125 ay makikita natin ang mga lubrication points na ito.
pwede mong i-click para makitang mabuti ang image
Itong Center Stand pivot ay isa sa kritikal dahil madalas itong naaalikabukan, nababasa at nadudumihan. Kaya malaki ang chance na ito ay kalawangin at magcause ng noise. Kaya maganda once a year at least ay malinis ito at malangisan o magrasahan para maibalik ito sa maayos na kundisyon. Bago langisan ay siguraduhin munang linisin itong mabuti at alisin ang mga alikabok at dumi na naipon dito.

Thursday, June 24, 2021

Change Oil: Anong engine oil ang the best?

Mga available na langis sa makina sa market na pwede sa Suzuki Burgman Street 125


Castrol Engine Oil

Pertua Engine Oil
Mukhang sakto rin itong Pertua para sa Burgman Street 125

ECStar R5000 10W-40 4T Engine Oil
Pero pinakabest pa rin itong recommended na langin ng Casa or ng Suzuki shop mismo.



Ang recommended na langis sa makina ng Suzuki Burgman Street 125 based sa manual ay ang SAE 10W-40 engine oil. Kung walang available ang recommended na alternative ay SG, SH, SJ or SL ng API (American Petroleum Institute). At ang classification naman ay MA or MA2 (JASO - Japanese Automobile Standards Organization). Ang JASO po ay ang organization na nagseset ng tamang standard para sa mga classification ng langis na ginagamit at itong classification nya sa JASO T903 ang nagspecify ng performance requirements sa clutches and transmission ng mga scooters at ATV na akma lalo na para sa design ng makina ng Suzuki Burgman Street 125.

Tuesday, June 22, 2021

Modified Blue custom sticker Burgman Street 125

Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner)

What do you think mga ka-Burgman? maganda ba?

Burgman Street Blue

Alam na natin na ang standard na kulay ng Burgman Street 125 na inilabas dito sa Pinas ay 3 lamang. Pero meron mga modelo na inilabas na kulay blue at ito nga ay sa India at meron na itong blue tooth at new panel. Wala pang balita kung ito ay lalabas din dito sa Pinas. For fun ay tingnan natin kung ano nga ba ang itsura at pormahan ng kulay blue na Burgman Street 125.

Ano sa tingin ninyo? Mukhang maganda rin ang pormahan ng Burgman Street blue hindi ba?

Matingkad ang pagka-blue nito at mukhang papasa rin ito sa panlasa ng karamihan dahil elegante rin ang pormahan kagaya ng mga main units na inilabas sa market.

Nandito rin yung kulay na red at blue units na inilabas sa India. Ang tanong ay ilalabas din kya ito soon dito sa pinas? Abangan natin yan mga kaBurgman!


Check out also this modified custom sticker blue style

Monday, June 21, 2021

Tire Sealant for Burgman Street 125

Isa sa magandang feature ng Suzuki Burgman Street 125 ay ang tubeless na gulong. Ibig sabihin nito ay wala na itong interior at tubeless tire na ang mismong gulong. Maganda ito dahil kapag tubeless ay less prone na ito sa flat tire at kahit wla pang sealant ay kaya naman ng tubeless tire kahit mapako o matusok ng matalas na bagay habang nagmamaneho. Unless siguro na masyadong napunit yung tire ay saka lamang sisingaw ang hangin nito.
So isa sa mga magandang solusyon dito para makasigurado ang paglalagay ng tire sealant sa gulong. Ito ay yung likido na ininject sa pito ng gulong para pumasok sa loob. Ang advantage nito ay kapag natusok ng matalas na bagay ang goma ng gulong ay hindi agad basta basta sisingaw ang hangin dahil magsisilbing "sealant" o taga-ampat yung sealant na inilagay so tatakpan nya ung butas na galing sa labas at automatic na ito na mangyayari. Kumbaga ay hassle free ka na dahil hindi ka na mag-aalala na baka maubos ang hangin at alanganin kung malayo ka pa sa mga vulcanizing shops. Mas lalo at wala ka namang dalang tire inflator o pang bomba.
Ito po ang sample ng paglagay ng sealant at ito diretsong isinasaksak sa mismong pito. Kung hindi nyo masyado kabisado ay mas magandang magpalagay ka na lng ng sealant sa mga vulcanizing shops dahil usually ay mayron silang ibinebentang sealant at usually less than hundred lamang ito per sealant bottle. Kapag may sealant na ay mas kampante ka lalo na kung iba byahe mo ng malayo si Suzuki Burgman Street 125!

Thursday, June 17, 2021

Burgman Street 125 Fairing: Front Panel Battery Section

Isa sa pinakamadaling part sa fairings ng Burgman Street 125 ay part kung saan nandoon ang battery. Kelangan lamang ng hex key para sa dalawang turnilyo sa harap at pagkatapos ay pwede na itong i-slide pababa upang matanggal yung part na nandun yung chrome reflector.
Ito yung mismong part ng chrome reflector kapag tinanggal mo ito.

Eto nga po ang itsura nya kapag natanggal nyo na ito. At napakadali lng nitong tanggalin.
Sa part na ito ay makikita na agad natin ang battery ng motor na Suzuki Burgman Street 125 at kung sakaling kinakailangang magpalit ng battery o mag-tap ng mga accessories wiring ay magagawa mo agad ito. Make sure lng na kung gagawin mo ito ay alam mo na posibleng ma-void ang warranty ng motor mo sa casa dahil dinidiscourage nila ang magtap o galawin ang wiring ng stock na unit lalo na kung bago pa ito at wala pang isang taon.
Mukhang pinagpala itong kaha ng Burgman Street 125 at maluwag itong harap kung nakalagay yung battery nya. So far sa tingin ko ay shielded naman mabuti itong part na ito sa ulan o sa tubig kapag maayos na nakasarado. Ang maganda dito ay mataas ang pagkakalagay sa battery so kung sakali na mapalusong ka sa baha ay hindi agad matutubigan itong battery unless talagang inilusong mo sa napakalalim na baha (hindi recommended na ilusong sa baha) Mukhang maganda pa rin na balutan ng plastic o tape yung mga wire dyan para masiguro na hindi to mababasa.

Friday, June 11, 2021

Burgman Ngayong Tagulan - Bawal ilusong sa baha?

Dahil June na ngayon ay panahon na ng tag-ulan. Talakayin natin ang ilang issue na maaaring kaharapin ng mga Burgman Street owners ngayong tag-ulan. Kumpara sa ibang motor sa tingin maganda ang disenyo ng Burgman dahil sa mga critical areas gaya ng footboard ay mayroon ng maliit na butas na pwedeng daanan ng tubig specially dun sa mga turnilyo. Maging sa front windshield yung mga turnilyo na mababa ng ulan ay mayroon na ring butas at siguro ay diretso na yung tubig sa baba.


Pero sa ating front panel ay hindi natin sigurado kung kapag sobrang lakas na ba ng ulan ay may posibilidad na pasukin ito ng tubig lalo na yung pindutan. Although ay rubber button naman yun siguro mas mabuti ay lagyan ito ng plastic cover for safety. Isa pang concern ay yung stock na gulong. Makapit naman siguro ito pero iba pa rin kapag basa ang kalsada kaya cguro ay doble ingat na lng at alalay lng ang speed sa mga stock na gulong.

Kapag baha naman ay hindi talaga advisable na ilusong ang automatic na motor lalo na at ito ay FI o fuel-injected. Hindi gaya ng carburetor na mas kaya pang ilusong sa baha basta hindi pasukin ng tubig ang tambutso. Ano nga ba ang posibleng mangyari kung mailusong ang Burgman Street sa baha? Kung aabot sa floor board o tapakan ay malalim na siguro ito masyado. Well, pwedeng mamatayan ka ng makina at worst ay madamage pa ang mga parts na mapapasok ng tubig. Siguradong gastos ito dahil kailangan ipalinis o palitan kung meron nadamage na parts.

Kapag baha kesa makipagsapalaran ay mas ok pa yta na humanap ng ibang daan o hintayin na lng humupa ito. Ano sa tingin nyo mga ka-Burgman?

Thursday, June 10, 2021

Burgman Street 125 - Ingay sa Front Disc Brake Caliper

Dahil sa ang front wheel ng Burgman Street 125 ay naka disc-brake na. Ang usual na issue na ma-eencounter natin dito ang yung langitngit o yung high pitch na tunog na galing dito lalo na kung nababasa ang part na ito. Kung bago lang ang inyong unit ay malamang hindi pa rin ito masyadong lapat. Kung mapapansin nyo ay wala pang masyadong kayod sa disc brake ung brake pads dahil bago at kung me maliit na mga bato o buhangin na napunta dyan sa disc ay pwede ring maging cause ng ingay nito.
So ano nga bang magandang maintenance solution dito? Para sa akin ang pinaka basic ay ang panatilihing malinis itong disc brake part sa pamamagitan ng paglinis nito ng sabon at malinis na tubig. Pwede mong gamitan ng joy diswashing at syempre kung meron pang brush mas maganda. Pagkatapos linisin ay ok din na tuyuin ng malinis na basahan.
Pwede ring baklasin yung caliper para malagyan ng grease o grasa yung caliper guide pins dahil kapag madumi ito ay yung ang nagcacause ng ingay. At syempre isabay na rin linisin ang brake pad at caliper.

Friday, June 4, 2021

USB Car Charger

Mga ka-Burgman maraming option ang pwede nating mabili kung sa USB car charger din lang naman. Me mga mura sa halagang below 200 pesos at meron din naman mejo mataas na klase ang presyo around 400 pataas. Meron ako nabili na USB charger sa Mr. DIY at ang presyo nito around 150 lamang.
Ok naman ito at nasulat ko na ito dito. Ang isa sa napansin kong problema kapag kinabitan mo na ito ng USB wire at masyado na itong malapit sa front box door nito at mejo hassle na itong isara, pwedeng humarang ung mga usb cable sa pagsara ng front box. So ang nangyari hindi ko ito masyado ginagamit o hindi ako nagchaharge ng phone kapag nagbabyahe.

Meron nabiling bagong USB car charger at tingin ko ay worth itong i-share sa inyo dahil mura lng din ito wala pang 200. Ang kagandahan nito ay mas maliit ang size nya kumpara dun sa nauna kong nabili at ngayon ay kasyang kasya na kahit magkabit ng USB cable dito.
Eto sya mga ka-Burgman eto ang packaging nya at nabili ko ito sa Japan Homes Centre for 188 pesos White Charger Kit. Me kasama na itong USB wire hindi gaya nung nauna kong nabili na mas malaki. Maganda rin ang charging nya so far at merong 2 USB port ito na me output na 5Volts. Hindi ko naman endorse itong product na-ishare ko lng sa inyo dahil baka makatulong sigurado ako na experience ninyo rin yung mas masikip kung nakabili kayo ng mas malaking size ng car charger. Kaya recommended ko sa ngayon itong mas maliit dahil mas swak sya sa small size nya.
Sa picture ay na-compare ko ang size ng 2 USB charger at malaki ang difference nila. Kapag isinaksak mo na yan mejo sagad na yung malaki kapag sinaksakan mo pa ng USB wire at tatama na ito sa door ng front box. Kapag yung mas maliit ay saktong sakto ito me allowance pa para sa USB wire kaya maayos mong maisasara yung front box. So sa akin mas ok na itong mas maliit. Gagamitin ko ito sa mga susunod na byahe at hindi na masyadong worried kahit hindi nakafull charge ang cell phone. Sana ay makatulong itong na-share ko sa inyo dito sa blog tungkol dito mga ka-Burgman!

Tuesday, June 1, 2021

Online Moto Festival

Congrats to our Suzuki Burgman Street 125 owners out there!

Sa recently concluded Motogarahe Online Moto Festival (OMF), Nanalo po ito as Lazada scooter of the year: Suzuki Burgman Street

At hindi lang po ito, nanalo rin ito ng Motorcycle of the Year Award! panalo talaga mga ka-Burgman!

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...