Mga ka-Burgman maraming option ang pwede nating mabili kung sa USB car charger din lang naman. Me mga mura sa halagang below 200 pesos at meron
din naman mejo mataas na klase ang presyo around 400 pataas. Meron ako nabili na USB charger sa Mr. DIY at ang presyo nito around 150 lamang.
Ok naman ito at nasulat ko na ito dito. Ang isa
sa napansin kong problema kapag kinabitan mo na ito ng USB wire at masyado na itong malapit sa front box door nito at mejo hassle na itong isara, pwedeng
humarang ung mga usb cable sa pagsara ng front box. So ang nangyari hindi ko ito masyado ginagamit o hindi ako nagchaharge ng phone kapag nagbabyahe.
Meron nabiling bagong USB car charger at tingin ko ay worth itong i-share sa inyo dahil mura lng din ito wala pang 200. Ang kagandahan nito ay
mas maliit ang size nya kumpara dun sa nauna kong nabili at ngayon ay kasyang kasya na kahit magkabit ng USB cable dito.
Eto sya mga ka-Burgman eto ang packaging nya at nabili ko ito sa Japan Homes Centre for 188 pesos White Charger Kit. Me kasama na itong USB wire hindi gaya nung nauna kong nabili na mas malaki. Maganda rin ang charging nya so far at merong 2 USB port ito na me output na 5Volts. Hindi ko naman endorse itong product na-ishare ko lng sa inyo dahil baka makatulong sigurado ako na experience ninyo rin yung mas masikip kung nakabili kayo ng mas malaking size ng car charger. Kaya recommended ko sa ngayon itong mas maliit dahil mas swak sya sa small size nya.
Sa picture ay na-compare ko ang size ng 2 USB charger at malaki ang difference nila. Kapag isinaksak mo na yan mejo sagad na yung malaki kapag sinaksakan mo pa ng USB wire at tatama na ito sa door ng front box. Kapag yung mas maliit ay saktong sakto ito me allowance pa para sa USB wire kaya maayos mong maisasara yung front box. So sa akin mas ok na itong mas maliit. Gagamitin ko ito sa mga susunod na byahe at hindi na masyadong worried kahit hindi nakafull charge ang cell phone. Sana ay makatulong itong na-share ko sa inyo dito sa blog tungkol dito mga ka-Burgman!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Basic Starting ng Burgman Street 125
Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...
-
Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng na...
-
Ano nga ba ang saktong tire pressure para sa ating Suzuki Burgman Street 125? Alam natin na meron tayong tubeless na gulong na 1...
-
Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner) ...
No comments:
Post a Comment