Monday, May 3, 2021

Mga Issues ng Burgman Street 125

Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng nakakarami.

Alam naman nating lahat na maganda ang Burgman Street 125 sa looks at maging sa specs nito at masasabi nating talagang sulit ito sa 125 segment kumpara sa ibang kumpetisyon sa ganitong segment.

Sa kabila nito ay hindi pa rin mawawalan ng issue dahil wala namang perpektong motor. So depende kung saaang anggulo nyo ito tinitingnan, merong lalabas at lalabas na issue hindi lng sa panlabas na anyo kung hindi maging mga tunay na issue ng motor na lately lamang lumutang dahil nga sa bagong labas na modelo pa lamang naman ito.

So ilista nating kung ano nga ba talaga ang mga issues or potential issues ng unit na ito

1.) Gulong -> Ito talaga ang number one na issue sa karamihan. Maraming tao ang hindi sanay sa maliit na gulong kaya hindi ang tingin nila dito ay weird sa pagkakaroon ng 10-inches na rear wheel size at 12-inches sa harap. Dahil nga sa karamihan ng scooter sa panahon ay mayrong usual na 14-inches na size na common.

Pero ang hindi nila naiintindihan ay dinisenyo ito sa ganitong size ng mga Suzuki Engineers para maibigay and maximum acceleration at performance ng makina sa pamamagitan nga ng ganitong sukat ng gulong na mas maliit ng bahagya sa common. Pero actually, hindi ito nakakaapekto sa performance ng motor at kung nakasakay ka na ng Burgman Street ay saka mo lamang marerealize na napakaganda at smooth nga pala ng takbo nito.

So ngayon ang option ng ibang tao na hindi kuntento sa ganitong size ay either magpalit agad ng mas malapad or mas malaking size kung me available. Me ibang tao naman na nagaalangan kung kukuha ba o hindi dahil nga bothered sila sa size at sa sinasabi ng ibang tao tungkol dito. well, kanya kanyang opinyon talaga yan pero kung sa aking pananaw, ang importante lng naman ay nagagawa nito ang trabaho at hindi nakakaapekto sa performance so para sa akin ay hindi problema ito.

2.) T-post issue
Mukhang big issue kung totoo na me kalog sa front T-post. Aware ako na meron na mga naka-encounter ng ganitong problema sa unit nila at ang solusyon ay kailangan higpitan yung puno sa may T-post. Dahil under warranty naman ang mga bagong unit tingin ko na pag naencounter mo ang ganitong klase ng problema mas makabubuti na ipacheck up mo ito sa Casa directly o itawag sa hotline ng Suzuki para ma-address nila ang problema.
(P.S. so far ay wala namang ganitong issue yung unit ko.)

3.) Tabingi na handle bar
Ito ay common na issue sa BS125 dahil hindi perfectly aligned ang fairings sa me part ng manibela. Ang maganda lng ay hindi ito nakakaapekto sa performance. Pero kung hindi ka mapakali dahil dito mas maganda na ipa-allign mo ito sa mga authorized Casa dealer mechanics o mismong sa 3S shop ng Suzuki motors nationwide.

4.) Mabilis mapundi na plate light
Eto personal experience ko sa BS125 ko na bago pa lamang halos wala pang 1 week ay napansin ko na agad na pundido na ang plate light. Hindi ako sure kung common ito sa karamihan ng unit pero me mga nakita na rin akong post sa FB group tungkol dito pero kung tutuusin ay minimal issue lng ito dahil makakabili ka naman agad ng replacement bulb na T10 bulb na worth 10 pesos lng mga local moto shops. Madali lng din itong palitan dahil hinuhugot lng ito.

So mga ka-Burgman ano pa nga ba ang ibang issue ng unit na ito na pwede nating pagusapan, Sa ngayon ay ito pa lng ang sa tingin ko ay mga common issues na naeencounter sa BS125. kung meron kyo alam na iba pa, i-comment nyo below para mapagusapan.

2 comments:

  1. napapanood ko lang pero hindi ko pa nararanasan dahil 2 weeks plang burgman ko. yung mag start sya pero humihinto rin in just how many seconds, starter kick di gumagana daw. 1 hr na syang nag papaandar wala pa rin syempre hindi naman 1 hr na tuloy tuloy na pinapaandar. pero same parin ang issue namamatay din agad. just wnt to know kung ano solution if ever maranasan ng iba they know what to do...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madalas na nababasa ko na ISC issue daw kapag ganito. pero maitanong ko muna, papaano ka ba nagpapatay ng motor, diretsong off ba agad sa susian o pinapatay mo muna sa killswitch? dapat bigyan ng mo ng allowance na 2-3 seconds bago pihitin ang susian. At base sa aking experience sa motor na ngayon ay nasa 16k plus odo na at almost 2 years (v1), pinapatay ko na muna ito sa kill switch bago ko iturn off sa susian at sa tagal na ng paggamit ay wala pa naman akong experience na namatayan ng bigla bigla.

      Delete

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...