Isa sa pinakamadaling part sa fairings ng Burgman Street 125 ay part kung saan nandoon ang battery. Kelangan lamang ng hex key para sa dalawang turnilyo sa harap at
pagkatapos ay pwede na itong i-slide pababa upang matanggal yung part na nandun yung chrome reflector.
Ito yung mismong part ng chrome reflector kapag tinanggal mo ito.
Eto nga po ang itsura nya kapag natanggal nyo na ito. At napakadali lng nitong tanggalin.
Sa part na ito ay makikita na agad natin ang battery ng motor na Suzuki Burgman Street 125 at kung sakaling kinakailangang magpalit ng battery o mag-tap ng mga accessories wiring
ay magagawa mo agad ito. Make sure lng na kung gagawin mo ito ay alam mo na posibleng ma-void ang warranty ng motor mo sa casa dahil dinidiscourage nila ang magtap o galawin ang wiring ng stock na unit lalo na kung bago pa ito
at wala pang isang taon.
Mukhang pinagpala itong kaha ng Burgman Street 125 at maluwag itong harap kung nakalagay yung battery nya. So far sa tingin ko ay shielded naman mabuti itong part na ito sa ulan o sa tubig kapag maayos na nakasarado. Ang maganda dito ay mataas ang pagkakalagay sa battery so kung sakali na mapalusong ka sa baha ay hindi agad matutubigan itong battery unless talagang inilusong mo sa napakalalim na baha (hindi recommended na ilusong sa baha)
Mukhang maganda pa rin na balutan ng plastic o tape yung mga wire dyan para masiguro na hindi to mababasa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Basic Starting ng Burgman Street 125
Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...
-
Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng na...
-
Ano nga ba ang saktong tire pressure para sa ating Suzuki Burgman Street 125? Alam natin na meron tayong tubeless na gulong na 1...
-
Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner) ...
No comments:
Post a Comment