Tuesday, August 3, 2021

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125.

Pre-start

Isa sa magandang practice 5-10 mins before bago bumyahe ay painitin ang makina gamit ang kick start. I-on lamang ang ignition at ibaba ang kill switch sa on position na hindi pinipindot para buhayin ang makina. Gamitin ang kick start para buhayin ang makina.

Ano nga ba ang advantage nito? Ang maganda dito ay mabibigyan mo ng konting oras ang makina para makapagwarm up bago isabak sa byahe. Isa pa ay magkakaron ka ng pagkakataon macheck kung ok ba ang idle nito at kung maayos lahat ng kundisyon bago magbyahe gaya ng mga ilaw at ikot ng gulong. Although ang motor na automatic ngayon ay ready to go na kung tutuusin maganda pa rin na sanayin natin ang gnitong practice o habit para masiguro na ok ang lahat bago sumabak sa byahe.

Quick Start

Sa pagstart naman ng motor, i-on lamang ang ignition switch at i-click ang quick start ignition on sa right side ng manibela. Siguraduhin na nakaswitch off ang kill switch. Kilala ang Suzuki na maingay sa pagstart kaya expect mo na ang konting ingay sa pagbukas ng makina. At pag ready to go ay pihitin na ng bahagya ang throttle para bigyan ng gas ang makina. Click mo ito kung gusto mo malamang pano ang gamit ng kill switch.

No comments:

Post a Comment

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...