Thursday, April 29, 2021

Kalog sa upuan ng Suzuki Burgman Street 125 at ang solusyon

Isa sa magandang feature ng Suzuki Burgman Street 125 ay ang magandang upuan nito na merong premium look. Bukod sa malapad ay malambot at kumportable din ito. Pero merong minor issue dito dahil medyo meron itong kalog. Sa bandang dulo kapag hinawakan mo at inalog ay mapapansin mo ito. Hindi ko lang sure kung nararamdaman nga ba ang kalog nito kapag me OBR ka.

Hindi naman ito talaga issue pero sa mga maselan ay maaaring issue na agad ito. Pero wag kayo magalala dahil merong isang solution para dito para mawala yung kalog. Me idea ka na ba kung ano ito?

Kung pamilyar ka sa stopper o yung mga stick-on rubber pads na ginagamit sa mga upuan at lamesa, pwede rin itong gamitin sa ating mga seat compartment lalo na sa dun sa part na nakadikit sa frame sa ating upuan ng motor. (ito yung bilog na part). Shout out nga pala sa Suzuki Engineers ang galing kase me mga maliit na butas na rin ito para hindi maipunan ng tubig, good na na-consider nyo ito sa design specially sa Burgman Street 125.
Yung mga bilog na yan ay ang mga stopper na nabibili sa mga hardware shop gaya ng Ace Hardware sa napakamurang halaga lamang, around 60 pesos at napakasimple lamang, kailangan mo lamang itong idikit dun sa bilog ng sumasalo sa mismong upuan ng ating Suzuki Burgman.
Dahil napipigilan nito ang puno nung upuan ay siguradong mawawala na rin ang kalog sa upuan ng ating motor. Makikita rin natin na bagay din ito tingnan bilang extra padding dun sa mga corners na sumasalo sa upuan, so mas maganda di ba? Hindi lng yun, pwede rin itong gamitin sa ibang pang motor seat compartment bilang protection din sa tangke ng gas.

Mabisa at praktikal sa solusyon para sa minor na kalog sa upuan. Sana ay nakatulong ang magandang ideya na ito sa inyo mga ka-Burgman!

No comments:

Post a Comment

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...