Isa sa magandang feature ng Suzuki Burgman Street 125 ay ang magandang upuan nito na merong premium look. Bukod sa malapad ay malambot at kumportable din ito. Pero merong minor issue dito
dahil medyo meron itong kalog. Sa bandang dulo kapag hinawakan mo at inalog ay mapapansin mo ito. Hindi ko lang sure kung nararamdaman nga ba ang kalog nito kapag me OBR ka.
Hindi naman ito talaga issue pero sa mga maselan ay maaaring issue na agad ito. Pero wag kayo magalala
dahil merong isang solution para dito para mawala yung kalog. Me idea ka na ba kung ano ito?
Kung pamilyar ka sa stopper o yung mga stick-on rubber pads na ginagamit sa mga upuan at lamesa, pwede rin itong gamitin sa ating mga seat compartment
lalo na sa dun sa part na nakadikit sa frame sa ating upuan ng motor. (ito yung bilog na part). Shout out nga pala sa Suzuki Engineers ang galing kase me mga maliit na butas na rin
ito para hindi maipunan ng tubig, good na na-consider nyo ito sa design specially sa Burgman Street 125.
Yung mga bilog na yan ay ang mga stopper na nabibili sa mga hardware shop gaya ng Ace Hardware sa napakamurang halaga lamang, around 60 pesos at napakasimple lamang, kailangan mo lamang
itong idikit dun sa bilog ng sumasalo sa mismong upuan ng ating Suzuki Burgman.
Dahil napipigilan nito ang puno nung upuan ay siguradong mawawala na rin ang kalog sa upuan ng ating motor. Makikita rin natin na bagay din ito tingnan bilang extra padding dun sa mga corners na sumasalo sa upuan, so mas maganda di ba? Hindi lng yun, pwede rin itong gamitin sa ibang pang motor seat compartment bilang protection din sa tangke ng gas.
Mabisa at praktikal sa solusyon para sa minor na kalog sa upuan. Sana ay nakatulong ang magandang ideya na ito sa inyo mga ka-Burgman!
Thursday, April 29, 2021
Thursday, April 22, 2021
Suzuki Burgman Street 125: Bola at Brake pad
Mga ka-Burgman ganito po ang itsura ng ating stock na bola at pati na rin nag pang-gilid at brake pad ng ating Burgman Street 125
Ang stock na bola ay may bigat na 20grams
Itsura ng bola na nakaposisyon
Ito naman ang stock brake shoe o brake pad sa rear wheel ng Burgman
Ito naman ang itsura ng kaha ng pang-gilid
Ang stock na bola ay may bigat na 20grams
Itsura ng bola na nakaposisyon
Ito naman ang stock brake shoe o brake pad sa rear wheel ng Burgman
Ito naman ang itsura ng kaha ng pang-gilid
Monday, April 12, 2021
Suzuki Shell Partnership Go+ Card! Promo
Swerte ang mga nakabili ng unit ng Suzuki Burgman Street 125 at iba ang Suzuki motors na kasama sa Shell Go+ Card promo!
Lahat ng kukuha ng unit o nakakuha ng unit from April 1 2021 to March 31 2022 ay makaka-avail ng Shell Go+ prepaid card na preloaded ng PHP200 pesos worth of gas na pwede ninyo i-claim sa Shell Gas Stations.
Makakareceive kyo ng text o SMS info mula sa casa kung saan kyo kumuha kung pasok kayo sa promo na ito at pwede ninyo i-claim ang card na ito sa kanila.
Eto ang promotional banner nila tungkol sa promo na ito :
Wag nyo kakalimutan i-claim ito mga ka-Burman!
Lahat ng kukuha ng unit o nakakuha ng unit from April 1 2021 to March 31 2022 ay makaka-avail ng Shell Go+ prepaid card na preloaded ng PHP200 pesos worth of gas na pwede ninyo i-claim sa Shell Gas Stations.
Makakareceive kyo ng text o SMS info mula sa casa kung saan kyo kumuha kung pasok kayo sa promo na ito at pwede ninyo i-claim ang card na ito sa kanila.
Eto ang promotional banner nila tungkol sa promo na ito :
Wag nyo kakalimutan i-claim ito mga ka-Burman!
Subscribe to:
Posts (Atom)
Basic Starting ng Burgman Street 125
Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...
-
Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng na...
-
Ano nga ba ang saktong tire pressure para sa ating Suzuki Burgman Street 125? Alam natin na meron tayong tubeless na gulong na 1...
-
Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner) ...