Monday, May 31, 2021

USB Car Charger for Burgman Street 125

Isa sa magandang feature ng Burgman Street 125 ang ang car charger port nito na pwede kabitan ng USB car adapter para sa cellphone. So habang tumatakbo ang motor at bumabyahe ay pwede nating i-charge ang cellphone dito para hindi na problemahin ang malowbatt. Ang maganda nito ay pwede rin ibang gadget na me usb gaya ng power bank o camera gadgets so masasabi nating napaka convenient na feature talaga nito!
Kapag hindi ginagamit ay may takip ito
So basically ay isasaksak lng yung pluggable na USB charger port dito
Ang problema lng dito based on my experience kapag masyado pong mahaba yung USB adapter na nabili nyo ay pwedeng mahirap isara yung knob lalo na kung me usb wire na mejo hassle. Kaya sa tingin ko ay mas mabuting humanap ng magandang klase na USB car charger na maliit o kaya built in na yung USB wire para hindi masyadong hassle. Isa pa kung hindi maayos at maluwag ay posibleng magloose o hindi magcharge ng tuluyan ang cellphone na ikakabit mo dito. So bago bumyahe, advice ko ay icheck itong mabuti para sure na magagamit itong feature na ito ng Burgman at maccharge ang mga gadgets habang nabyahe.
So mga ka-Burgman ano ang maisusuggest nyo na magandang klase na Car charger adapter na swak na swak para sa Burgman Street 125 natin?

Thursday, May 20, 2021

Bracket for Burgman Street 125

Marami akong nakikitang mga lumalabas na bracket na para sa Burgman Street 125 lately. Alam nyo mga ka-Burgman isa sa magandang part ng Burgman ay ang kanyang malapad at magandang grab bar. Can you imagine kung tatanggalin mo ito para lamang mailagay ang bracket. Sayang hindi ba? So parang maganda yata kung ang bracket ay hindi mo na kailangan alisin pa ang napakagandang grab bar.
Isa ito sa magandang option na bracket pero mejo me kamahalan pa ito sa presyong Php2000 sa market.

Nakita nyo na ba ito? Wala pa akong feed back kung matibay nga ba ito pero mukhang maganda itong style ng bracket na ito.
Pero sa pag install nito ay tatanggalin pa rin ang stock grab bar at same na turnilo ang kakabitan para sa bracket na ito.

Suggest kayo kung ano pa magandang bracket para sa Suzuki Burgman Street 125.

Alam kong marami pang ibang options na lalabas sa market soon so mas maganda marami tyong pamimilian. Patuloy kong iuupdate ang page na ito.

Wednesday, May 19, 2021

Kargado - Burgman Street 125

Makikita po natin na ang ating Burgman Street 125 ay kargado ng mga bagahe pero yakang yaka pa rin
at dahil sa malaking foot board or gulay board nito, mas higit na marami ang maikakarga dito kaya patok ito lalo sa mga delivery riders.


Ouch! parang kawawa masyado si Burgman dito ah ang bigat ng bagahe!

credit belongs to the orignal owners of these pics (galing po sa research at fb groups), nandito lang para i-compile at mai-share din sa ibang tao na makakabasa.

Monday, May 3, 2021

Mga Issues ng Burgman Street 125

Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng nakakarami.

Alam naman nating lahat na maganda ang Burgman Street 125 sa looks at maging sa specs nito at masasabi nating talagang sulit ito sa 125 segment kumpara sa ibang kumpetisyon sa ganitong segment.

Sa kabila nito ay hindi pa rin mawawalan ng issue dahil wala namang perpektong motor. So depende kung saaang anggulo nyo ito tinitingnan, merong lalabas at lalabas na issue hindi lng sa panlabas na anyo kung hindi maging mga tunay na issue ng motor na lately lamang lumutang dahil nga sa bagong labas na modelo pa lamang naman ito.

So ilista nating kung ano nga ba talaga ang mga issues or potential issues ng unit na ito

1.) Gulong -> Ito talaga ang number one na issue sa karamihan. Maraming tao ang hindi sanay sa maliit na gulong kaya hindi ang tingin nila dito ay weird sa pagkakaroon ng 10-inches na rear wheel size at 12-inches sa harap. Dahil nga sa karamihan ng scooter sa panahon ay mayrong usual na 14-inches na size na common.

Pero ang hindi nila naiintindihan ay dinisenyo ito sa ganitong size ng mga Suzuki Engineers para maibigay and maximum acceleration at performance ng makina sa pamamagitan nga ng ganitong sukat ng gulong na mas maliit ng bahagya sa common. Pero actually, hindi ito nakakaapekto sa performance ng motor at kung nakasakay ka na ng Burgman Street ay saka mo lamang marerealize na napakaganda at smooth nga pala ng takbo nito.

So ngayon ang option ng ibang tao na hindi kuntento sa ganitong size ay either magpalit agad ng mas malapad or mas malaking size kung me available. Me ibang tao naman na nagaalangan kung kukuha ba o hindi dahil nga bothered sila sa size at sa sinasabi ng ibang tao tungkol dito. well, kanya kanyang opinyon talaga yan pero kung sa aking pananaw, ang importante lng naman ay nagagawa nito ang trabaho at hindi nakakaapekto sa performance so para sa akin ay hindi problema ito.

2.) T-post issue
Mukhang big issue kung totoo na me kalog sa front T-post. Aware ako na meron na mga naka-encounter ng ganitong problema sa unit nila at ang solusyon ay kailangan higpitan yung puno sa may T-post. Dahil under warranty naman ang mga bagong unit tingin ko na pag naencounter mo ang ganitong klase ng problema mas makabubuti na ipacheck up mo ito sa Casa directly o itawag sa hotline ng Suzuki para ma-address nila ang problema.
(P.S. so far ay wala namang ganitong issue yung unit ko.)

3.) Tabingi na handle bar
Ito ay common na issue sa BS125 dahil hindi perfectly aligned ang fairings sa me part ng manibela. Ang maganda lng ay hindi ito nakakaapekto sa performance. Pero kung hindi ka mapakali dahil dito mas maganda na ipa-allign mo ito sa mga authorized Casa dealer mechanics o mismong sa 3S shop ng Suzuki motors nationwide.

4.) Mabilis mapundi na plate light
Eto personal experience ko sa BS125 ko na bago pa lamang halos wala pang 1 week ay napansin ko na agad na pundido na ang plate light. Hindi ako sure kung common ito sa karamihan ng unit pero me mga nakita na rin akong post sa FB group tungkol dito pero kung tutuusin ay minimal issue lng ito dahil makakabili ka naman agad ng replacement bulb na T10 bulb na worth 10 pesos lng mga local moto shops. Madali lng din itong palitan dahil hinuhugot lng ito.

So mga ka-Burgman ano pa nga ba ang ibang issue ng unit na ito na pwede nating pagusapan, Sa ngayon ay ito pa lng ang sa tingin ko ay mga common issues na naeencounter sa BS125. kung meron kyo alam na iba pa, i-comment nyo below para mapagusapan.

Basic Starting ng Burgman Street 125

Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...