Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125.
Pre-start
Isa sa magandang practice 5-10 mins before bago bumyahe ay painitin ang makina gamit ang kick start. I-on lamang ang ignition
at ibaba ang kill switch sa on position na hindi pinipindot para buhayin ang makina. Gamitin ang kick start para buhayin ang makina.
Ano nga ba ang advantage nito?
Ang maganda dito ay mabibigyan mo ng konting oras ang makina para makapagwarm up bago isabak sa byahe. Isa pa ay magkakaron ka ng
pagkakataon macheck kung ok ba ang idle nito at kung maayos lahat ng kundisyon bago magbyahe gaya ng mga ilaw at ikot ng gulong.
Although ang motor na automatic ngayon ay ready to go na kung tutuusin maganda pa rin na sanayin natin ang gnitong practice o habit
para masiguro na ok ang lahat bago sumabak sa byahe.
Quick Start
Sa pagstart naman ng motor, i-on lamang ang ignition switch at i-click ang quick start ignition on sa right side ng manibela. Siguraduhin na nakaswitch off ang kill switch. Kilala ang Suzuki
na maingay sa pagstart kaya expect mo na ang konting ingay sa pagbukas ng makina. At pag ready to go ay pihitin na ng bahagya ang throttle para bigyan ng gas
ang makina. Click mo ito kung gusto mo malamang pano ang gamit ng kill switch.
SuzukiBurgmanStreet125Philippines
A blog about Suzuki Burgman Stret 125 Philippines
Tuesday, August 3, 2021
Monday, July 5, 2021
Kill Switch: Paano ginagamit sa Burgman Street 125
Kill Switch Feature
Kung ikaw ay magpapagas which is very usual case ay pwede rin ito gamitin kill switch although kelangan mo rin talaga i-twist ung key para mabuksan ang upuaan para sa gas tank. Sa manual ay nakasaad na for emergency purpose talaga ito kagaya kung biglang nagwild ang makina o kaya ay biglang na-rev mo ang throttle. Pero pwede rin naman itong gamitin on usual basis kaya sa example na nabanggit ko dahil design naman sya talaga for quick use kaya sya nasa me handle bar.
Reminder lng kapag ginamit mo ang kill para patayin ang makina. Make sure na iturn off din ang ignition switch off. Dahil kapag naiwan naka on ang ignition switch ng matagal ay malolow batt ang battery.
Wednesday, June 30, 2021
Tire Pressure na sakto para sa Burgman Street 125
Importante na sundin natin itong recommended na tire pressure para maging smooth ang takbo natin dahil gulong ang nagdadala sa atin. Kapag under inflated o kulang sa hangin magiging hindi ganun ka smooth ang cornering at magreresulta ito sa mabilis na pagkapudpod o wear ng ating goma. Kapag over inflated naman ay masyado itong matigas at matalbog at yung contact sa semento ay hindi masyado so maaari itong magresulta sa pagdulas o kaya kawalan ng control lalo na sa mga uneven at mabuhangin na kalsada. Kapag kayo ay nagmomotor importante na pakiramdaman ninyo ang takbo ng mga gulong. Dahil kung sakaling may tumusok sa gulong ay malalaman natin ito dahil unti unting bababa ang tire pressure nito. So bago magbyahe specially kung long ride ay laging ugaliin na magcheck ng tamang tire pressure. Hindi kung kelan nagbyahe ka na dahil iba na ang reading nito. Kapag uminit na ang mga goma sa pagbyahe ito ay nagreresulta sa mas mataas na tire pressure dahil sa init ng pagikot ng mga gulong.
Monday, June 28, 2021
Generous Footboard: Suzuki Burgman Street 125
Sa usapang foot board ito na siguro ang isa sa maipagmamalaki ng Burgman Street! Kudos s Suzuki sa pagdesign nito at nagets nila na isa ito sa pinakaimportanteng konsiderasyon sa pagpili ng motor lalo na sa mga praktikal na tao.
Napakadaming benefits kapag malaki ang footboard at nandyan na yung comfort sa pwesto ng paa at syempre ay ang space na ito ay laan talaga para lagyan ng mga gamit ko karga sa byahe. Pwede kang maglagay ng isang sako dito na 25 to 50 ang bigat gaya ng bigas. Pwede rin mga bagahe gaya ng bag o kahon na pinamili.
Gaya nito, astig pamalengke di ba?
Kung ikaw ay rider gaya s lalamove o food panda ay napakalaking tulong ang spacious footboard para kargahan ng mga bagahe. Bonus point din na kahit iangkas mo ang anak mo na bata sa harap ay pwedeng pwede. Kung gusto mo ay pwede rin kahit pet dog mo siguradong kasya dito :)
Maganda talaga ang footboard ng Suzuki Burgman Street at isa ito sa maipagmamalaking feature nya na lamang sa karamihan.
Accessories ng Footboard
Ang common na accessories sa footboard ay usually footboard matting o yung cover na nilalagay dito number one para hindi ito magasgas at mamuti and secondly para mas gawin itong maporma o maburloloy.
Ito ay parang mga sticker designs na idinidikit sa mismong footboard. Dagdag pogi ito sa motor lalo na kung maganda at bagay ang footboard matte design na ilalagay.
Yung ganitong style ay may mga embossed part na nagsisilbing stopper para hindi dumulas ang pagkakatapak. At syempre dadag porma na din talaga ito.
Meron din naman footboard matting na for practical use lng gaya ng plain design na rubber na usually ay gray or black color para lamang hindi madulas sa tapakan. Kapag wala kasi ay madulas yang plastic footboard nya. Isa pang purpose ay para protection sa mismong footboard sa dumi o mga buhangin na maaring gumasgas sa stock footboard. Price range nito kadalasan ay 150 to 350 pesos.
Friday, June 25, 2021
Lubrication Points: Suzuki Burgman Street 125 Maintenance
Napakaimportante na mapanatiling nasa magandang kundisyon ang motor at isa nga sa mga kailangan i-maintain ay ang lubrication points ng motor. Ito ay yung mga moving parts ng motor
na exposed sa labas at kinakailangan langisan at linisin para maiwasang pagmulan ng mga noise o langingit.
Dito sa image na galing sa manual ng Suzuki Burgman Street 125 ay makikita natin ang mga lubrication points na ito.
pwede mong i-click para makitang mabuti ang image Itong Center Stand pivot ay isa sa kritikal dahil madalas itong naaalikabukan, nababasa at nadudumihan. Kaya malaki ang chance na ito ay kalawangin at magcause ng noise. Kaya maganda once a year at least ay malinis ito at malangisan o magrasahan para maibalik ito sa maayos na kundisyon. Bago langisan ay siguraduhin munang linisin itong mabuti at alisin ang mga alikabok at dumi na naipon dito.
Dito sa image na galing sa manual ng Suzuki Burgman Street 125 ay makikita natin ang mga lubrication points na ito.
pwede mong i-click para makitang mabuti ang image Itong Center Stand pivot ay isa sa kritikal dahil madalas itong naaalikabukan, nababasa at nadudumihan. Kaya malaki ang chance na ito ay kalawangin at magcause ng noise. Kaya maganda once a year at least ay malinis ito at malangisan o magrasahan para maibalik ito sa maayos na kundisyon. Bago langisan ay siguraduhin munang linisin itong mabuti at alisin ang mga alikabok at dumi na naipon dito.
Thursday, June 24, 2021
Change Oil: Anong engine oil ang the best?
Mga available na langis sa makina sa market na pwede sa Suzuki Burgman Street 125
Castrol Engine Oil
Pertua Engine Oil
Mukhang sakto rin itong Pertua para sa Burgman Street 125
ECStar R5000 10W-40 4T Engine Oil
Pero pinakabest pa rin itong recommended na langin ng Casa or ng Suzuki shop mismo.
Ang recommended na langis sa makina ng Suzuki Burgman Street 125 based sa manual
ay ang SAE 10W-40 engine oil. Kung walang available ang recommended na
alternative ay SG, SH, SJ or SL ng API (American Petroleum Institute). At ang
classification naman ay MA or MA2 (JASO - Japanese Automobile Standards
Organization). Ang JASO po ay ang organization na nagseset ng tamang standard
para sa mga classification ng langis na ginagamit at itong classification nya sa
JASO T903 ang nagspecify ng performance requirements sa clutches and
transmission ng mga scooters at ATV na akma lalo na para sa design ng makina ng
Suzuki Burgman Street 125.
Castrol Engine Oil
Pertua Engine Oil
Mukhang sakto rin itong Pertua para sa Burgman Street 125
ECStar R5000 10W-40 4T Engine Oil
Pero pinakabest pa rin itong recommended na langin ng Casa or ng Suzuki shop mismo.
Tuesday, June 22, 2021
Modified Blue custom sticker Burgman Street 125
Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner)
What do you think mga ka-Burgman? maganda ba?
What do you think mga ka-Burgman? maganda ba?
Subscribe to:
Posts (Atom)
Basic Starting ng Burgman Street 125
Sobrang basic pakinggan pero paano nga ba ang tamang pag start ioperate ang ating Burgman Street 125. Pre-start Isa sa magandang practic...
-
Pagusapan natin ang mga issues ng Burgman Street 125 pero hanggat maari ay magstick lamang tayo sa real issues o big issues na concern ng na...
-
Ano nga ba ang saktong tire pressure para sa ating Suzuki Burgman Street 125? Alam natin na meron tayong tubeless na gulong na 1...
-
Just sharing here the nice blue custom sticker on fairings done by a fellow Burgman Street 125 owner. (credits to the original owner) ...